i am not perfect, just a sinner saved by grace.

Saturday, May 28, 2005

flying thoughts

maybe i am just being 'religion-biased' in this particular area... maybe it's because i like brennan espartinez (like as in crush) but, heck, i like him. and he's a Christian... so what's the matter?

ang galing-galing talagang 'magpasikat' ng mga TV stations ng 'Pinas (well, i'm sure lalo na sa ibang bansa)... hindi pa man alam kung sino ang mananalo sa isang contest, parang artistang-artista na talaga silang lahat... ang astig ng "packaging". katulad na katulad ng promotion ng starstruck.

paano ba nila kinukuha ang kiliti ng ordinaryong juan dela cruz?

sapalagay ko, ang ganitong mga 'reality tv' shows ay para bigyan tayo ng isang idea na hindi nalalayo sa tunay na buhay ang nangyayari sa loob ng 'boob tube'. na tayo mismo, sa pamamagitan ng pangyayari sa tunay na karakter (yung mga ordinaryong tao na naging extraordinaryo ang buhay -- kahit long term or short term) na 'ginamit' sa isang storya or contest mas nararamdaman ng manonood ang bawat eksenasa 'palabas'. it's like bringing real stories right out of your tv! (tama ba yun?)

ang pinoy kasi, mahilig sa tsismis. mahilig pakialaman ang buhay ng iba. kaya naman patok talaga ang reality tv shows sa puso ng pinoy. aba, feeling involved si juan kapag nasimulang panoorin ang isang reality tv show! for example, yang starstruck.. maraming may kani-kaniyang bet diyan. hanggang ngayon pa nga, mas gusto ko pa rin ang batch one over batch two! walang ka-chemistry-chemistry yung love teams ng batch 2! (at kung sakaling may batch 2 fanatic na makabasa nito, im sure magwawala).

ganyan ang pinoy kapag na-attach. kahit hindi kakilala.. pag "minahal" na agad... ipagpapatayan ang idol niya.

isa pa, madali ring "masilaw" ang pinoy sa ningning ng pinilakang tabing. feeling 'sikat' lalo na kapag nakasama ang kasama mo. totoo namn db? halimbawa, nakasama sa extra challenge yung pinsan ng pinsan ng kaibigan mo, kahit hindi mo naman siya masyadong kakilala, feeling chums kayo kasi, sinabi ng kaibigan mo na yung pinsan ng pinsan niya , kasama sa extra challenge... tapos ipamamallita mo yun sa friends mo... feeling celebrity ka ngayon.

wala namang masama sa mga ito. i mean, this is our 'chopsuey culture'. at sino pang magmamahal sa kulturang ito kundi tayo rin?

tama?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home