bangungot
hindi ko talaga maintindihan ang nangyari sa akin kaninang 12:06 am!
nanaginip ako, kasama si nano. tapos, umalis kami... napunta raw kami sa isang lugar (mukhang probinsiya) tapos meron daw na babae ruon na natuwa kay nano at hinalikan pa yung baby ko! 'kinagabihan' (daw), actually yung set up ng pagtulog eh itsura namin ni nano kagabi -- magkatabi. nakita ko raw si nano na nag-iiba ng itsura (yung mukhang napo-possess), tapos, naalala ko na 'hinalikan' pala siya nung babae... baka nag-place ng curse kay nano. na-realize ko na binabangungot na pala ako kasi hindi ako makakilos! so nag-pray ako and i called out on the name of my Lord Jesus... and then i realized na nanaginip lang pala ako ... na wala palang babae na humalik kay nano at walang exorcism na nagaganap!
grabe... ang weird talaga! imagine, nanaginip ka na nanaginip ka!?
creepy...
pagkagising ko, takut na takot ako. i texted ate jewel and asked her to pray for me. she replied that i also need to pray for myself and suggested na mag-devotion ako, which i did.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home