i am not perfect, just a sinner saved by grace.

Saturday, June 04, 2005

kulungan

minsan... pakiramdam ko, sinasakal ako ng sarili kong lipunan na ginagalawan. pakiramdam ko, ang lipunan ang pumipigil sa aking gawin ang mga bagay na gusto ko sa buhay. ang lipunan na 'humubog' sa kung sino ako ngayon ay ang mismong lipunan na nagkukulong sa akin.

tinuruan ako ng lipunang ito kung paano magsalita ng Filipino at Ingles at maging matatas sa wikang ito... subalit ngayon, ang lipunang ito ang nagdidikta sa akin kung ano ang sasabihin, paano ko ito sasasbihin, at kailan ako magsasalita. minsan pa nga, mas gusto pa nito na huwag na lang na magsalita. kalokohan, pero kung titingnan mo, totoo.

minsan, naitanong ko sa aking sarili ... bakit pa nga ba ako nabuhay kung parang nakakulong naman ang pakiramdam ko?

pero, mananatili pa rin ang katotohanan na ang lahat ng pangyayari sa buhay na ito ay mayroong dahilan, na ang lahat ng tao ay 'intertwined' ang mga buhay. hindi man natin malaman ang eksatong dahilan ng lahat ng ito, balang araw... maiintindihan din natin.

ito ang buhay. magkahalong saya't lungkot ang dulot nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home