i am not perfect, just a sinner saved by grace.

Wednesday, June 22, 2005

...impromptu...

they say, we can't live without them... that they are the God's missing piece on our life's puzzle. this is so true...

i miss my dad so much. si papa kasi, siya ang nag-alaga sa amin nung bata kami. lumaki kaming kasama siya -- siya ang nagpapaligo sa amin, nagluluto at nagpapakain, nagpaplantsa ng damit, nagdidisiplina. ang papa ko ang nagturo sa amin sa mga 'basics' sa buhay. siya nga rin ang nagtatali ng buhok namin! (kaya nga walang design ang mga ayos ng buhok namin nuon,,, simple lang... minsan, dahil sa sobrang higpit, mukha nakaming chinita!) ang papa ko rin ang unang artist na nakilala ko -- magaling kumanta, magdrawing, tumugtog ng gitara (hindi ko lang alam kung marunong siyang sumayaw! eheehee)

si papa rin ang unang nagturo sa akin na makipagbasag-ulo! minsan, merong mga grupo ng boys na nang-aaway sa amin... nagtago ang tatay ko... tapos hinabol niya yung mga yun! nung nahuli niya, nag-iyakan na! hehehe. 'stig talaga! hindi ko lang maalala kung kinausap siya (papa ko) ng mga magulang nung mga bata na hinabol niya...

ano bang namimiss ko sa tatay ko??? marami. maraming marami marami.

hinahanap-hanap ko yung pakiramdam ng mayroong nag-aalaga, ng mayroong nagmamahal. kapag mayroon akong sakit, siya ang naaalala ko na nag-aalaga sa akin. hinahanap-hanap ko yung "feeling of security" na kapag andiyan ang papa ko, walang pwedeng umaway sa amin! sa akin! (naiiyak na ako..) walang pwedeng umapi sa amin.

kung andito ang papa ko, magkakasama kaming lahat. nakatira sa bahay namin... nag-aasaran,
nagkukulitan, nagkakantahan (tutugtog ang papa ko habang kumakanta kaming mag-iina), siguro.. makakasama ko rin siyang uminom. hehe. baka nagyoyosi na rin ako (heheh) hindi bad influence ang tatay ko, malaya lang talaga kami sa kaniya.

kung andito ang papa ko, ipapakita ko pa kung gaano ko siya kamahal... kung gaano siya ka-importante sa buhay ko.

mula nang mamatay ang tatay ko... ibang-ibang-iba talaga! para bang nawalan ka backbone sa katawan. as in... 8 years na... pero, empty pa rin ang pakiramdam ko. para bang, i am not complete... will never be complete.

miss ko na talaga ang papa ko...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home