i am not perfect, just a sinner saved by grace.

Thursday, August 04, 2005

sa mga maliliit na bagay

isa sa mga natutunan ko sa buhay na ito na makikilala mo ang tunay karakter ng isang tao hindi sa pamamagitan ng malalaki at tanyag na bagay na kaniyang nagawa o ginagawa kundi sa pang-araw-araw na gawain niya sa buhay. yun ang nagma-matter...

unang-una mong makikilala ang pagiging "sibilisado" ng isang tao sa kainan... lalo na pag buffet. kung maginoo ba talaga ang isang lalaki o hindi. kung asal p.g. ba o kahit gutom ay pipigilin para paunahin ang iba, (kasi naman... pag handaan alam ko, kakain ka muna sa bahay kahit konti para kahit may progam pa before ng kainan... oks lang db?) ewan ko kung sa isang lugar ko lang napapansin ito... pero, ewan!

isa pa, makikita mo yung pag-uugali ng isang tao on how they deal with people with a lower social status than them... kung nagso-sorry ba sila kahit mas mababa ang estado sa buhay o mas bata ang nagawan nila ng pagkakamali, kung pinapangalagaan ba nila ang tama kaysa sa interes nga ng nakararami pero baliko naman ang pangangatwiran.

makilala mo ang isang tao sa pagdedesisyon niya sa buhay kung gaano siya kapit sa kaniyang mga prinsipyo. kung madali bang 'mahawaan' ng ibang tao ang mga paniniwala niya o mayroon siyang paninindigan sa mga ito.

weird lang talaga ako...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home